Mga paraan para mapaunlad ang iyong pagkanta
Irelax ang vocal chords bago ka magsimulang kumanta. Kapag pinilit moa ng iyong lalamunan, imposible na tamaan mo ang matataas na nota. Kapag nag eehersisyo ka ng iyong lalamunan, subukang kantahin ang mum..mum…mum… imbes na do re mi. Gawin ito sa loob ng ilang minuto lamang.
Huwag pilitin ang matataas na nota. Kapag kailangan mong abutin ang mataas na nota, huwag mong ipilit kung hindi mo naman kaya. Isa pa, huwag na huwag kang sisigaw. Magrelax at hayaang tumaas ang boses ng marahan, ngunit kailangan mong hindi mawala sa control. Kapag ipinilit mo ang isang nota, baka mapasama ang kanta mo at mapagtawanan ka lamang.
Uminom ng maraming tubig o mainit na tsaa. Ang pag inom ng maraming tubig ay maganda sa vocal chords dahil binabasa nito ang lalamunan at inaalis ang sobrang laway. Huwag kang iinom ng malamig na tubig bago kumanta sapagkat pahihigpitin lamang nito ang iyong lalamunan at mahihirapan ang vocal chords mo sa paggalaw. Iwasan mo rin ang pag inom ng gatas, softdrinks at iba pang matamis na inumin. Ang lactose na nasa gatas at ang asukal na nasa iba pang inumin ay magdaragdag lamang sa di kinakailangang plema na magbabara sa lalamunan.
Pag aralan ang malalim na paghinga. Ugaliin ang paghinga sa tulong ng iyong diaphragm sa pamamagitan ng araw araw na paggawa nito sa loob ng ilang linggo. Imbes na huminga gamit ang pwersa sa dibdib, pag aralang huminga gamit ang lakas ng tiyan, kung saan matatagpuan ang kalamnan na kung tawagin ay diaphragm. Kung ikaw ay humihinga sa tamang paraan, ang ibabang bahagi ng iyong tiyan ang gagalaw at lalaki hindi ang iyong dibdib.
Pag aralan ang tamang phrasing o paghati-hati ng mga salita. Ang tamang panahon para huminga kapag kumakanta ay sa gitna ng mga phrases o grupo ng mga salitang kailangang kantahin ng deretso. Sa ordinaryong pagsulat, ang phrases ay kalimitang pinaghihiwalay ng comma at ng ibang mga punctuation marks. Subalit iba sa pagsulat ng mga liriko ng kanta, wala kang makikitang punctuations. Pag aralang mabuti ang lyrics bago ka kumanta. Hanapin mo kung saan ka pwedeng humito para huminga. Kapag kumakanta ka na, huminga sa punto na dapat kang huminto. Pag aralang mabuti ang paghinga kapag nakahinto para maiwasan mo ang pag sigaw o ang paghahabol ng hininga habang kumakanta.
Irekord ang sarili. Irekord ang sarili habang kumakanta para marinig mo kung ang boses mo ba ay maganda o nakakairita. Pakinggan ang record ng iyong boses na may bukas na isip. Huwag mong subukang kumbinsihin ang sarili na magandang pakinggan ang iyong kanta kung hindi naman talaga. Pagsumikapang baguhin ang paraan ng pagkanta kung hindi maganda ang boses sa recording mo.
Kumanta sa harap ng mga tao. Ang pagtingin sa mga taong nanunuod habang kumakanta ay maaaring nakakahiya sa una, subalit sa pamamagitan ng praktis ay masasanay ka rin. Kung ang pagkanta sa harap ng mga tao ay nakakatakot para sayo, subukang tingnan ang kanilang noo o balikat, imbes na sa mga mata, habang kumakanta. Subukang kumanta sa harap ng salamin bago ka kumanta sa harap ng iyong mga manunuod.
Maging bukas para sa mga puna at suhestiyon. Subukang kumanta sa harap ng mga kaibigan at kamaganak. Ang mga kamaganak mo ay baka mahiyang sabihin ang mga puna nila sa pagkanta mo subalit ang mga mabubuting kaibigan ay maaaring maging mas bukas na sabihin kung ano talaga ang kanilang mga saloobin sa paraan ng pagkanta mo. Humanda kang mapagtawanan ng mga kaibigan.
Maging disidido. Ang totoo, may mga tao talagang ipinanganak na maganda ang boses, subalit para satin na hindi naman ganyan – ang pagsusumikap na mapaganda ang boses ay siyang pinakamahalaga. Patuloy na ilista ang mga kantang babagay sayo, pag aralan ang mga teknik sa pagkanta kasama na ang galaw kapag nasa entablado ka na.
PAANO BA MAPANGANGALAGAAN ANG IYONG BOSES?
Alam mob a na karamihan sa mga Pinoy ay may problema sa kanilang boses? Baga man hindi ka mahilig kumanta, malamang na isa ka sa mga taong puhunan ang boses sa hanap buhay. Kasama sa paksang paano gumanda ang boses ay ang mga paraan para mapanatiling malusog ang iyong boses. Narito ang ilang paraan para maingatan mo ang iyong boses.
- Ugaliin ang paginom ng maraming tubig. Iwasan mo ang pag inom ng alak at mga inuming may caffeine. Ang iyong vocal chords ay gumgalaw ng napakabilis, kaya ang pagkakaroon ng tamang balanse ng tubig ay malusog para sa lalamunan.
- Magkaroon ng sapat na pahinga. Bigyan ng panahong makapag pahinga ang iyong lalamunan ilang beses bawat araw, lalo na sa mga panahong kailangan mong magsalita ng matagal. Halimbawa, ang mga guro ay kailangang hindi muna magsalita kapag break time Iwasan ang makipagkwentuhan sa mga kapwa guro sa oras ng pananghalian upang makapagpahinga ang lalamunan.
- Huwag manigarilyo o huminto na sa paggamit nito. Ang paninigarilyo ay ang pinakasanhi ng kanser sa lalamunan. Ang paghinga ng usok ng sigarilyo ay nakakasira sa lalamunan.
- Huwag mong abusuhin ang boses mo. Iwasan ang pagsigaw ng malakas o ang pagsasalita sa maiingaw na lugar. Kung pakiramdam mo ay tuyo at pagod na ang iyong lalamunan o ang iyong boses ay paos na, bawasan mo ang pagsasalita. Ito ay mga palatandaan ng hindi malusog na lalamunan.
Comments
gagawin ko rin yan start now. 🙂
tatandaan ko po lahat ito
Lalo na yung mga bawal inumin susundin ko po lahat ng sinabi nyo po
na inspire ako dahil dito. Salamat. God bless.
ko
#elevenyearsOld
#elevenyearsOld