I Can't Let Go (Tagalog Version)


Parati kang
nasa isipan ko
Mula ng tayo'y 
nag-kalayo
ang puso ko ngayo'y
ay nagdurugo
Damdamin ay laging
nalulumbay
mga pangarap 
nawalan ng saysay
pagkat, sa piling ko
ay nawalay ka

Hanggang ngayon
ikaw pa rin 
ang hanap ko
Hanggang ngayon
nadarama pa rin
ang yakap mo't 
halik

Lagi ka 
sa isip ko
mga ala-ala mo'y 
di malimutan
Lagi ka 
sa isip ko
Pagmamahal mo 
ang kailangan 
Ikaw lamang
Ikaw lamang
Ikaw lamang...
Ang aking minamahal

Ngayon 
ay nasa malayo ka
hindi na na tayo 
nagkikita
Sana ay, maalala mo
parin ako

Hanggang ngayon
ikaw pa rin 
ang hanap ko
Hanggang ngayon
nadarama pa rin
ang yakap mo't halik

Lagi ka sa 
isip ko
mga ala-ala mo'y 
di malimutan
Lagi ka 
sa isip ko
Pagmamahal mo 
ang kailangan 
Ikaw lamang
Ikaw lamang
Ikaw lamang...
Ang aking minamahal
Ikaw lamang
Ikaw lamang
Ikaw lamang...
Ang aking minamahal
Ikaw lamang
Ikaw lamang
Ikaw lamang...
Ang aking minamahal






Comments