Ako'y OFW
dito sa ibang bansa
Nagtitiis sa lungkot
para lang kumita
Upang makaipon
at may maipadala
sa aking naiwang
mahal kong pamilya
Anak ko tumawag
Papa kumusta ka
kailan ang uwi mo
miss na miss na kita
Ako'y natutuwa
at nananabik
lungkot ay naibsan
pag sila'y kausap na
Araw araw pagod
Sub-sob sa trabaho
tiniis ang init
matagal na sweldo
wag sanang magkasakit
diyos ko tulungan mo
ako'y natatakot
lalo't mag-isa lang ako
Lumipas ang taon
tapus na ang kontrata
ako'y sabi na sabik
uwing uwi na
ngunit ang problema
wala daw kapalit
ako'y pinahintay
uwi ko'y na pospone
Ako'y OFW
dito sa ibang bansa
Nagtitiis sa lungkot
para lang kumita
Upang makaipon
at may maipadala
sa aking naiwang
mahal kong pamilya
Comments