Always Tagalog Version (Originally Sung and Popularized by Jon Bon Jovi) Tagalog Version by: Rockstar Arkasia


 

Pilit kong itinago aking kalungkutan
Mga ngiti sa labi balat-kayo lamang
Langit ay lumuluha mula nang 'yong iwan
Ako'y napanghinaan nang ikaw ay lumisan

Ang aking mga awit
Nawalan ng halaga
At ang tinig ko'y 'di mo na marinig
'Pagkat wala ka na

Bawat lahat sa puso ay ikaw
At kung muling kailangan mo ako giliw
Darating pa rin sa 'yo
Kahit may hapdi sa puso ko
Kahit buhay ko'y alay ko sa 'yo
Dahil lagi kang mahal

Mga alaalang kay saya
Nang tayong dal'wa ay iisa
Mga tampuhan at pagmamahalan
Bakit nga kaya nagwakas na lang

Natatandaan ko pa no'ng una kang hagkan
Mga labi mong noo'y akin lang
May siglang sa 'yo na no'n naramdaman
Ngayo'y hanap ko oh nasaan

Kung mayro'n sa 'yong pagkakamali
Sana oh mahal ko pagbigyang muli
Kung sakali mang mayro'n nang iba
Kung masasaktan magbalik lamang

Bawat lahat sa puso ay ikaw
At kung muling kailangan mo ako giliw

Habang-buhay maghihintay ako
Dahil puso ko ay tanging sa 'yo
At 'di magbabago ang damdaming ito
Sana'y dinggin mo ako

'Di mo na kaya kayang pagbigyan
At naglaho na ang pagmamahal
Sana kahit na isang ulit pa
Ay mayakap ka't mahagkan pa

Bawat lahat sa puso ay ikaw
At kung muling kailangan mo ako giliw
Darating pa rin sa 'yo
Kahit may hapdi sa puso ko
Kahit buhay ko'y alay ko sa 'yo
Dahil lagi kang mahal

Lagi
Lagi kang mahal
Lagi


Thanks for watching! Don't forget to Subscribe :)

Comments